
Sigaw! Grants
“……dahil ang paglaban ay uri ng sining”
Pinaniniwalaan ni Talley (2023) na ang sining ay isang paraan upang mapadali ang pag-unawa natin sa mga lipunan na puno ng pagkakaiba ng asal. Bukod dito, ito ay naghihikayat din ng makabuluhang partisipasyon ng mga kilusang panlipunan. Ang sining din ay naging tuntungan ng mga taong nasa laylayan at iyong mga pinahina ang boses upang mapalakas ang kanilang mga hinaing laban sa kawalan ng katarungan sa lipunan. Higit sa lahat, ang sining ay isang paraan upang maghikayat ng sama-samang pagkakakilanlan ng mga taong iba-iba ang pinagmulan.
Sa nakaraang mga dekada sa Pilipinas, maraming alagad ng sining, manggagawang pangkalinangan, at kanilang mga alyansa, ang ginagamit ang sining bilang tuntungan at plataporma sa pagbabahagi ng katotohanan at pagbabago. Gamit ang pagpipinta, potograpiya o pagkuha ng mga litrato, paggawa ng musika, pelikula o teatro man – iba-ibang uri ng sining ay ginagamit sa aktibismo nang walang paglilimita. Ang mga karaniwang isyu ay tungkol sa karapatang pantao, pagbabago ng klima, usapin sa kasarian, seguridad sa pagkain, kahirapan, korapsyon, at iba pang intersekyon ng isyu sa lipunan.
Ang Humanis ay matagal ng tagapagtaguyod ng artivism, ito ay sumusuporta isa iba-ibang mga pagtatanghal, larawang pangpahayagan, at paggawa ng mga pelikula.
Dahil dito, inilulunsad ng Humanis ang grant na “Sigaw!” para sa mga tagagawa ng pelikula, musikero, litratisto o potograpo, at iba pang alagad ng sining na may nag-aalab na damdamin sa pagtataguyod ng pagbabago gamit ang kanilang sining. Ang Humanis ay tumutugon sa mga usaping karapatang pantao, katarungang panlipunan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at katarungang pang-klima.
Noong 2024, Inilunsad ng Humanis sa Indonesia ang parehong grant na “Gaung Perubahan” o “Echoes”. Sa grant na ito, sinuportahan ang dalawang grupo ng mga musikero: ‘Ibu Sud Hari Ini’ at ang ‘Usman and the Blackstones’. Ang Ibu Sud Hari Ini ay naglabas ng kanilang buong album ng mga kanta at nagsagawa ng isang tanghalan. Ang isang nasuporthan ng grant ay isang babaeng direktor na gumagawa ng maikling pelikula na pinamagatan na: ‘Aisha on the Day She Blooms’ kung saan tinalakay niya ang relasyon ng katawan ng mga babae at konsepto ng relihiyon.
Ang Humanis ay naninindigan na konektado ang aktibismo at ang sining at ito ay nailarawan sa aming mga programa gaya ng Voices for Just Climate Action (VCA) and Creative Youth for Tolerance (CREATE) sa Indonesia. Sa VCA, kasama ang komunidad ng musikero sa Kupang, kami ay nakipagtulungan upang magawa ang “Surga dari Timur” at “Adil untuk Bumi”. Sa parehong programa, kami ay nakipagtuwangan kasama ang mga gumagawa ng pelikula upang magawa ang dokyumentaryong “Climate Witness”. Sa programang CREATE naman, pinaunlakan namin ang mga estudyante sa iba-ibang panig ng Indonesia upang maipaalam ang kanilang hinaing sa inklusyon at pagtanggap sa tulong ng mga awit na “Dengung,” “Bersatu untuk Bangsa,” “Perempuan,” at “This Feeling.”. Bilang isang organisasyon, noong 2022, kahit walang tuntungan na programa ay nakipagtuwangan kami sa mga malayang tagagawa ng pelikula upang mailabas ang pelikulang “Dancing Colors”.
Naniniwala ng Humanis na ang sining at ang inklyuson ay kumikilos nang sabay. Ang mga mensahe ng ano mang uri ng sining ay dapat may akses ang lahat kasama na ang mga taong may kapansanan o ang mga komunidad na nakararanas ng ano mang hadlang sa akses. Gamit ang sining sa aktibismo at paglaban, naniniwala ang Humanis na may obligasyon ang ano mang uri ng sining na maglagay ng wikang senyas, mga teksto, at ano pa mang uri ng tuntungan upang mas maging inklusibo.
Layunin
Ang grant na ito ay sumusuporta sa mga alagad ng sining partikular na sa mga identidad na nasa laylayan ng lipunan na ginagamit ang sining upang itaguyod ang kanilang pakikibaka tungo sa isang mapagpalaya at may katarungan na lipunan. Ang tiyak na layunin nito ay mga sumusunod:
- Suportahan ang mga alagad ng sining at mga manggagawang pangkalinangan sa kanilang paggawa ng sining kahit pa man ito ay nasa simulang proseso pa lamang ito o nasa pagpapalaganap na;
- Suportahan ang mga alagad ng sining at mga manggagawang pangkalinangan sa kanilang misyon na makamit ang panlipunang katarungan gamit ang kanilang sining.
Mga gawaing sinusuportahan at kwalipikasyon
Bilang pagkilala na hindi nililimitahan ang sining, sinisigurado ng Humanis na patas at malinaw ang proseso ng pagpili ng panel ng mga eksperto. Itong grant ay sumusuporta sa mga alagad ng sining na nakabase sa Pilipinas. Ang mga interesadong kalahok ay maaring magsubmite bilang indibidwal o isang grupo.
Ang mga indibidwal o grupo ay inaasahan na:
- Gumawa ng pelikula, serye ng mga litrato, mga musika, o pagtatanghal ng kwento na may tutok sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay ng kasarian, inklusyon, katarungang pangklima, at karaptang sibiko;
- Ibabahagi ang mga sinuportahang gawain sa kanilang tsanel at kani-kanilang komunidad;
- Gumawa at marapat na sundin ang listahan ng mga gawain simula disensyo hanggang sa pagbabahagi nito;
- gawain; at
- Siguraduhin ang pagtataguyod ng mga asal na naka-sentro sa inklyuson simula disensyo hanggang sa pagtatapos nito (halimbawa: pagkakaroon ng wikang senyas, mga teksto, at ano pa mang uri ng tuntungan upang mas maging inklusibo.
Badyet
Ang kabuuan ng badyet para sa grant na ito ay 615,000 pesos para sa lahat ng makakatanggap ng grant. Kaya naman, ang pinakamataas na pwedeng hilingin ay hindi lalagpas sa 205,000 pesos.
Talaan ng oras
Simula September 2026 hanggang 2027 ang buong takdang oras para sa grant, kasama na rito ang pagdisensyo, mismong paggawa, pagbabahagi, at pag-uulat sa Humanis.
Hinihikayat namin na lumahok kayo!
Ipinagdiriwang ng Humanis ang pagkakaiba-iba natin at sinisgurado namin ang isang mas inklusibong espasyo para sa lahat. Kaya naman partikular namin hinihikayat ang mga taong nasa laylayan lalo na ang mga iba-ibang identidad at sekswalidad, mga katutubo, may kapansanan, mga taong tagapag-alaga, at mga mahihirap.
Paano lumahok?
Ang mga interesado ay pagpadala ng mga sumusunod na dokumento:
- Maikiling proposal o mungkahi na naglalaman ng partikular na isyung gusto mong isulong, ang kahalagayan ng iyong proyekto, o iba pang konsepto kung paano mo maisasakatuparang ang layunin ng iyong grant;
- Para sa gumagawa ng pelikula, logline ng iyong pelikula at tala ng konsepto para sa mga litratisto o potograpo;
- Detalyadong plano pang gastusin;
- Plano ng mga gawain (disensyo, produksyon/ paggawa, at pagbabahagi);
- Portpolyo (indibidwal o grupo);
- Mga nakaraang proyekto;
- Iba pang dokumentong na magkakasama bilang isang PDF. Maaring lamanan nito ang mga iskrip, halimbawa ng mga litrato, mga nasaklaw ng midya, mga link sa iba pang dinig-tanawin na materyales o iba pa mang docukemnto na makaktulong sa iyong aplikasyon.
Tala: Maaring gumamit ng Filipino o iba pang wika sa Pilipinas para sa iyong proyekto. Ngunit, ang iyong proposal o mungkahi ay marapat lamang na Ingles, kabilang na rin dito ang mga dokumentong pang-suporta.
I-sumite ang iyong proposal o mungkahi sa pamamagitan ng pagpindot sa “Apply Now” bago ang ika-31 ng Hulyo 2026.





